Entry for Love Month 2017

How time flies, it’s the Love Month already. As always, I’ll try a series of post for this month. Been doing this since I started blogging in 2007 (I think). Haha! So for my first entry… here’s a flash fiction that’s been bugging me for a while now. Btw, it’s in Filipino.

“Thank you, guys! Please wait for our second set later…” pagbaba ng banda patuloy pa rin ang pagpapatutog nila ng love songs. Pebrero na kasi. 

“Uy Michael kamusta trabaho? Tagal mo na dyan. Napromote ka na?” tanong ni Jude. 

“Di pa nga, pare. Pag ako nagsawang maghintay…bahala sila! Hahaha!” birong sagot naman ni Michael. “Ikaw Karla? Ikaw din Jen? Dami mo atang sideline ngayon ah.” 

Sabay-sabay kaming napatingin kay Jen at tumawa dahil siguro kilalang-kilala namin siya. 

“Huy Karla paabot naman nung tissue” pakiusap ni Jen. Sa pag-abot ko napansin kong parang kanina pa balisa si Red. Ano kayang tumatakbo sa isip niya? Trabaho din kaya? Sana. 

“Yosi lang ako sa labas…” paalam ni Red. 

“Akala ko ba umuwi si Red sa kanila? Bakit andito na agad siya?” usisa ni Jen. 

“Baka may tinatakasan…” sagot ni Jude.

“Ang sabihin mo ‘di alam ang pupuntahan! Hahaha!” balik ni Jen at natawa silang lahat. Tama siya. Laging magulo si Red. 

“Uy Karla may bago kang tattoo? Anong design? Saan mo pinalagay? Patingin! Dali!” sigaw ni Jen. 

“Uhmm… dito lang sa may gilid. Eto oh… it’s an anchor.” sagot ko. 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s